TV

Adhara, niligtas si Lira? | Ep. 71

By Felix Ilaya

Sa June 29 (Lunes) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime, tumakas na si Lira (Mikee Quintos) sa Lireo upang mahanap ang kaniyang ina na si Amihan (Kylie Padilla).

Sa kaniyang paglalakbay, masusukol siya ng mga Bandido na nais siyang isuko sa mga Hathor.

Bago pa man siya makuha ng mga Bandido, darating sina Adhara (Sunshine Dizon) at LilaSari (Diana Zubiri) upang iligtas ang diwata.

Ano kaya ang gagawin ni Adhara kapag malaman niyang si Lira ang nawawalang anak ni Amihan?

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video na ito:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.