TV

Pagbangon ng Lireo | Ep. 103

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 12 (Miyerkules) episode nito, ngayong hawak ng muli ng mga diwata ang Lireo, sisikapin ni Reyna Amihan (Kylie Padilla) na muling ibangon ang kaniyang kaharian.

Samantala, mananatili naman sa Sapiro sina Prinsipe Ybrahim (Ruru Madrid) at Sang'gre Alena upang ipagpatuloy ang kanilang relasyon ngunit ramdam ni Alena na may pagtingin sa iba ang kaniyang sinta.

Lalapit naman si Pirena (Glaiza De Castro) kay Bathalumang Ether upang humingi ng kapangyarihan para malabanan ang kaniyang mga kapatid na Sang'gre.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.