TV

Panunuyo ni Lira sa kaniyang Ashti Pirena | Ep. 127

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa September 15 (Martes) episode nito, pilit na ipinagaayos ni Lira (Mikee Quintos) ang mag-ina na sina Pirena (Glaiza De Castro) at Mira (Kate Valdez).

Ngayong nakakulong na si Pirena sa Lireo, malimit siyang bibisitahin ni Lira sa kaniyang piitan upang paunti-unti ay makuha ang kaniyang loob.

Mapapalambot kaya ni Lira ang pusong bato ng kaniyang Ashti?

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.