TV

'Family Feud' Philippines: Panalo ang powers ni 'First Lady' | Week 8

By Jimboy Napoles

Sa nagdaang linggo ng eleksyon, Family Feud ang naging pamawi sa stress ng maraming manonood dahil sa good vibes na hatid ng celebrity guest players at sa mga papremyo na ipinamimigay kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Sa patuloy na pagsubaybay ng Kapuso viewers, parami na rin nang parami ang mga manonood na nakatatanggap ng papremyo mula sa programa dahil bukod sa jackpot prize na naiuuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Bukod pa rito, extended na rin ang saya online dahil sa pagsisimula ng #FamilyFeudDanceChallenge sa TikTok na pwede for all ages at all members of the family.

Balikan ang mga episode sa ikawalong linggo ng Family Feud, DITO:

Noong Martes (May 10), hindi sa matinding sayawan kung 'di sa hulaan ng top survey answers napasabak ang Sexbomb girls na sina Jopay Paguia, Joy Cancio, Mia Pangyarihan, at Cheche Tolentino laban sa Team Biriteras at mga komedyante na sina Anton Diva, Tammy Brown, Jewel, at Regina.

'Family Feud' Philippines: Sexbomb family vs Team Biriteras | Episode 34

Wagi naman ng Php 200,000 jackpot prize ang First Lady family na pinangungunahan ng lead actress ng programa na si Sanya Lopez, kasama co-stars niya na sina Anjo Damiles, Analyn Barro, at Muriel Lomadilla sa kanilang paglalaro noong Miyerkules (May 11).

Sa nasabing episode nakaharap nila ang mga komedyante na Team Gays Pangkalawakan na sina Maja Kubrador, Marian Rivermaya, Avatar, at Barbiengot Forteza.

'Family Feud' Philippines: 'First Lady' family vs Team Gays Pangkalawakan | Episode 35

Nagtapat naman noong Huwebes (May 12), ang pamilya ni Glaiza De Castro at pamilya nina Geneva Cruz at kapwa singer na si Jeffrey Hidalgo.

'Family Feud' Philippines: De Castro family vs Cruz and Hidalgo Family | Episode 36


Naghatid naman ng matinding good vibes noong Biyernes (May 13), ang pamilya nina Jojo Alejar at Samantha Lopez sa kanilang paghaharap sa game show.

'Family Feud' Philippines: Alejar family vs Lopez family | Episode 37

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, balikan naman ang nabuong masayang samahan ng First Lady cast sa gallery na ito.