TV

Dingdong Dantes, itinuturing na regalo ang pagbati ni Steve Harvey sa tagumpay ng 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles

Higit pa sa Pamaskong regalo kung ituring ni Kapuso host Dingdong Dantes ang naging pagbati ng sikat na host na si Steve Harvey para sa tagumpay ng Philippine edition ng Family Feud kung saan siya ang game master.

Sa Instagram, ini-repost ni Dingdong ang video message na ipinadala ni Steve sa GMA Network at sa bumubuo ng Family Feud Philippines.

"Para sa akin, ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata pag Pasko," caption ni Dingdong sa kanyang post.

Aminado ang aktor na pressured sila noong una sa pagbuo ng Philippine version ng nasabing international game show, kung kaya't malaking bagay para sa kaniya ang makatanggap ng mensahe mula sa original host nito.

Aniya, "When we started the show in the Philippines for this season's run, we knew we had big shoes to fill because of the show's global success. That's why I am just so grateful, energized and inspired to receive something like this from a person whose hosting skills I idolize."

"Maraming salamat, Tito Steve!" dagdag pa niya.

Nagkomento naman sa post na ito ni Dingdong si President and Programming Consultant to the Chairman ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Samantala, patuloy rin na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, silipin naman ang ilan sa achievements ni Dingdong sa show business sa gallery na ito: