TV

Dingdong Dantes, may paalala sa mga sumasali sa 'Guess To Win' promo ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

May munting paalala ang Family Feud game master na si Dingdong Dantes sa lahat ng sumasali sa "Guess To Win" promo ng nasabing trending weekday game show ng GMA.

Dahil sa talamak na scam at paggamit ng personal information ng ibang tao sa maling gawain, nagpaalala si Dingdong na huwag maglagay ng kanilang personal na detalye gaya ng buong pangalan, address, at contact information sa comment section ng Family Feud social media posts na maaaring makita o makopya ng mga masasamang loob.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dingdong ang video ng clip ng kanyang panawagan sa mga manonood ng nasabing game show.

Aniya, "Paalala lang po, mga Kapuso! Iwasang mag-comment sa ating social media pages ng inyong mga personal na detalye! Pumunta lamang sa http://gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin website para doon mag-submit ng inyong mga sagot. Ingat tayo, Fam!"

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa mga nais sumali sa "Guess To Win" promo ng programa, simple lang ang dapat gawin, manood at tumutok sa Family Feud. Abangan ang tatlong tanong na lalabas sa inyong mga TV screens at hulaan ang top answers ng publiko sa mga tanong na ito.

Ipadala lamang ang inyong sagot sa www.GMANetwork.com/FamilyFeudGuessToWin at huwag ilagay ang ano mang personal na detalye sa comment section ng live streaming o social media posts upang makaiwas sa ano mang uri ng scam.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.