TV

'D'Ninang' starring Aiai delas Alas, mapapanood sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz

Siguradong mapapatawa na naman tayo ni Philippine Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas ngayong weekend!

Tampok ang pelikula niyang D'Ninang sa GTV!

Gaganap siya dito bilang Ditas, leader ng isang gang ng mga mandurukot. Nang mamatay ang dati niyang kinakasama, mapupunta sa poder niya ang kanyang anak na si Mikhai, ang role ni Kisses Delavin.

Dahil istriktong naniniwala si Mikhai sa pagsunod sa batas, susubukan ni Ditas ng at kanyang gang ng mga mandurukot na itago mula sa kanya ang tunay na hanap-buhay nila.

Magtagumpay kaya sila? Abangan 'yan sa D'Ninang, October 17, 12:00 pm sa Sine Date Weekend.

Tunghayan din sa Afternoon Movie Break ang action flicks na Marahas starring Raymart Santiago, October 16, 2:00 pm; Hepe, Isasabay Kita sa Paglubog ng Araw starring Eddie Garcia, October 17, 2:00 pm; at May Sayad starring Ronnie Rickett, October 17, 4:00 pm.

Para naman sa fans ni Jackie Chan, nariyan ang Police Story, October 16, 7:55 pm sa G! Flicks.

Hatid naman ng The Big Picture ang 1996 American slasher film na Scream, October 17, 9:15 pm

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.