TV

READ: Megan Young, excited na sa mga kababalaghang hatid ng 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko'

By Felix Ilaya

Aminado si Megan Young na matatakutin siya pagdating sa mga bagay na supernatural.

Megan Young

Ngunit excited at masaya pa rin siyang mapabilang sa cast ng bagong Kapuso suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

"The audience can expect a different feel to an afternoon soap,” sabi ni Megan sa bagong teleserye, kung saan makakasama niya sina Kris Bernal, Rayver Cruz, at Kim Domingo.

Patuloy niya, “Usually afternoon soap operas are very high energy, there's a lot of relationship drama.

“We still have that, we have the high energy, the relationship drama but we also have that extra factor that gives it its edge.

“It's something that us as actors look forward to kasi may ibang aspect at nakaka-excite gawin 'yung mga bagay na bago."

Sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, mapapanood si Megan as Yvie, ang strong-willed wife ni Matteo played by Rayver Cruz, na handang ipaglaban ang kanilang pagsasama kahit kakaibang elemento na ang nais sumira sa kanyang pamilya.

Abangan ang katapangan ni Yvie in the face of an otherworldly adversity ngayong Lunes, July 22, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.