TV

'Hearts On Ice' viewers can't stop feeling kilig after Ponggay and Enzo get official; trends online

By Aimee Anoc

Todo ang kilig ng Hearts On Ice viewers nang sa wakas ay naging opisyal na ang relasyon nina Ponggay (Ashley Ortega) at Enzo (Xian Lim).

Noong Lunes (June 5), nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag ng episode 59 na "HOIGoodNewsNiEnzo," kung saan umani ng mga nakakakilig na reaksyon mula sa netizens ang matamis na oo ni Ponggay kay Enzo.

Nakakuha rin ng mataas na ratings ang episode na ito na umabot sa 9.0 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa episode 59 ng Hearts On Ice, nalaman na ni Ponggay na si Enzo at ang batang nagligtas sa kanya noon ay iisa. Ito ay matapos na makita ni Enzo ang music box na binili nito noon kay Ponggay.

Dito na rin muling tinanong ni Enzo si Ponggay kung maaari na ba siyang maging parte ng buhay nito, na maging girlfriend ang dalaga. Hindi agad nakasagot si Ponggay sa tanong na ito ng binata.

Ayaw man niyang masaktan si Enzo pero hindi rin niya gustong ma-disappoint sa kanya ang mga magulang. Sinabihan naman nina Libay (Amy Austria) at Ruben (Lito Pimentel) si Ponggay na huwag pigilin ang bagay na nagpapasaya sa kanya dahil ayaw rin nilang nakikitang nalulungkot ang anak. Ibinigay na rin ng mag-asawa ang blessing nito para kina Ponggay at Enzo.

Panoorin ang full episode 59 ng Hearts On Ice rito:

Patuloy na subaybayan ang huling dalawang linggo ng Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: