
Mapapanood na mamaya ang kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang Hearts On Ice na pinagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.
Iikot ang kuwento ng Hearts On Ice sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro, si Ponggay (Ashley), na susubuking abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.
Makakasama nina Ashley at Xian sa pinakabagong sportserye ng GMA ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.
Huwag palampasin ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Hearts Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice rito:
TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG HEARTS ON ICE CAST MULA SA KANILANG MEDIA CONFERENCE RITO: