GMA Logo Kim Perez and Amy Austria
What's on TV

Kim Perez, na-starstruck kay Amy Austria sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 28, 2023 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Perez and Amy Austria


Napapanood ngayon si Kim Perez bilang Bogs sa Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice.

Sa mga batikang aktor na nakakatrabaho sa Hearts On Ice, ibinahagi ni Kim Perez na sa seasoned actress na si Amy Austria siya pinaka na-starstruck.

Kabilang si Kim sa cast ng kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang Hearts On Ice, na pinagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.

Sa serye, gumaganap si Kim bilang Bogs, musician, businessman, at isa sa best friends ni Enzo (Xian). Napapanood naman si Amy bilang Libay, ang raketerang ina ni Ponggay (Ashley).

Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Kim kung bakit kay Amy Austria siya pinaka na-starstruck sa cast ng Hearts On Ice.

Kuwento niya, "Kasi pinapanood ko 'yung iba niyang mga show talagang hindi ako maka-get over kung gaano siya kagaling sa pag-acting, lalong lalo na napanood natin 'yung premiere night [ng Hearts On Ice], nakaka-hook talaga 'yung pag-acting niya."

Bukod kay Amy, ikinuwento rin ni Kim ang paghanga at pagrespeto niya kay Xian, na palagi niyang nakakaeksena sa serye.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sa isang proyekto ang dalawang aktor dahil nagkasama na rin sila sa isang episode ng Wish Ko Lang na idinirehe mismo ni Xian.

"Una kasi naging direktor ko siya, doon ko siya unang nakatrabaho. Kaya ang taas ng respeto ko sa kanya when it comes to acting talaga," sabi ni Kim.

"Magaan siya katrabaho. Nagbibigay siya ng mga tip, 'yung mga kailangan para ma-enhance pa 'yung pag-acting namin. Minsan siya pa 'yung nag-iinitiate, 'Tara lines tayo, mga buddy.' Natutuwa naman ako kasi talagang inile-level niya sa amin 'yung sarili niya para mawala 'yung barrier na parang intimidating. Nakakatuwa, magaan katrabaho siya, at mabait," dagdag niya.

Abangan si Kim sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: