TV

Tom Rodriguez, nanibago sa set ng 'I Can See You: High Rise Lovers'

By Dianara Alegre

Nagsimula nang mag-taping si Kapuso leading man Tom Rodriguez para sa pinakabagong seryeng handog ng GMA Network, ang I Can See You: High Rise Lovers.

Sa video na ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Tom na nanibago siya sa set ng serye ngunit masaya naman siyang nakabalik na siya sa pagtatrabaho at pag-arte.

Source: akosimangtomas (IG)

“Lunch break namin ngayon dito sa set ng 'I Can See You: High Rise Lovers.' Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working.

“Kasama ko 'yung cast ng crew. Iba pa rin talaga 'yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom 'yung trabaho.

“Siyempre maraming bago. Konti lang 'yung tao. Kailangan social distancing pa rin and siyempre 'yung ibang mga eksena na usually magagawa mo na may physical touching, medyo dito iniiwasan na talaga,” aniya.

Ngunit kahit na malayo sa nakasanayang takbo ng trabaho sa harap at likod ng camera, ipinahayag ni Tom na proud siya sa lahat ng bumubuo ng serye.

“Gayunpaman I'm so proud of our team here. Everyone has been great. Talagang sumusunod sa protocols and we're doing the best that we can although kanina, I have to admit, naninibago ako ulit. Hindi ako sanay,” dagdag pa niya.

Bukod sa kaunti na lamang ang tao sa set at mahigpit na sinusunod ang anti-COVID-19 protocols, nanibago rin umano ang aktor sa pag-arte.

“'Yung first eksena ko napakabigat na eksena and medyo hindi ako satisfied sa ginawa ko. Hiyang-hiya ako na baka ako 'yung nagiging cause of delay sa mga kasamahan ko.

“Siyempre, 12 hours lang 'yung limit namin sa isang araw. So kailangan na magawa 'yung bawat eksena. Medyo kanina naninibago lang. Parang bagong pasok ulit sa eskwelahan, may kaba. But I'm happy to be back,” lahad pa niya.

Sobrang saya na makabalik trabaho ulit kasama ang mga kasamahan ko :):):) kayo, ano ang mga namiss nyo sa “dating normal”?

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Ang “High Rise Lovers” ay ikatlo sa apat na week-long series ng drama anthology na I Can See You. Ang tatlong iba pa ay “Love On The Balcony,” “The Promise,” at “Truly. Madly. Deadly.”

Makakasama ni Tom sa mini-series sina Lovi Poe, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga, at Kenneth “Tetay” Ocampo.

Ipalalabas na ang I Can See You: High Rise Lovers sa October 12 sa GMA Telebabad.