TV

EXCLUSIVE: Vaness del Moral, sinisiguradong magkaiba ang bawat kontrabida role na ginagampanan niya

By MICHELLE CALIGAN

Ilang beses nang gumanap bilang kontrabida sa mga teleserye ang Kapuso actress na si Vaness del Moral. Pagkatapos niyang gampanan ang role ni Gurna sa Encantadia, muli na naman siyang magiging kontrabida sa upcoming Afternoon Prime series na Impostora.

READ: EXCLUSIVE: Vaness del Moral, handa na muling ma-bash sa 'Impostora'

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ibinahagi ng aktres ang challenge ng madalas na pagiging kontrabida.

"Ang mahirap doon is 'yung baka maging magkapareho. You have to really study the character, tapos kung ano man 'yung character na ginagawa mo on the previous show, kailangan ma-let go mo 'yun. Kasi baka mabitbit mo 'yung character dito sa bago mong character. 'Yun 'yung isa sa mga challenging parts kapag nagkakasunod na kontrabida 'yung role mo palagi."

Dagdag pa niya, "Medyo mahirap siya pero at the same time, it's a lot of fun. Mas fun siya kaysa maging api-apihan kasi you can play with it. Mas nae-enjoy ko talaga ang pagiging kontrabida."

MORE ON VANESS DEL MORAL:

Vaness del Moral, natatakot nang lumabas ng bahay dahil sa mga taong galit kay Gurna

Vaness del Moral's tipid tip: "Stop keeping up with the Kardashians"