TV

MUST-SEE: Kris Bernal's meticulous transformation to Nimfa

By BEA RODRIGUEZ

For the first time, ipinakita ni Impostora star Kris Bernal kung paano siya nag-iiba ng hitsura. “No joke” raw ang kanyang transformation para maging si Nimfa, ang kanyang alter ego sa 2017 remake ng hit Filipino drama series.

 

Nag-guest si Kris sa Sunday PinaSaya kahapon (June 25) at kinunan niya ng video ang two-hour preparation niya upang maging si Nimfa. Dalawang tao ang kumumpleto ng kanyang look, mula sa pagdidikit ng prosthetics, paglagay ng makeup at ang pag-ayos ng kanyang buhok.

Kinailangin rin ng aktres na magsakripisyo habang nakadikit ang prosthetics at fake teeth, “I can't munch anything or take a bite of any food or liquid with those fake teeth on!"

Mapapanood na ang pinakabagong GMA Afternoon Prime soap na bubulabog sa atin simula July 3!