TV

Barbie Forteza, pag-aagawan ng dalawang guwapong lalaki?

By Gia Allana Soriano

Pagkatapos ng That's My Amboy (2016) at Meant To Be (2017), super haba na naman ng hair ni Barbie Forteza this 2018 sa kanyang upcoming GMA serye na Inday Will Always Love You, kung saan pag-aagawan naman siya ng mga karakter nina Derrick Monasterio at Juancho Trivino.

Dahil close na talaga sina Derrick at Barbie, thankful ang aktor na ang Kapuso actress muli ang kanyang makakapareha, at natutuwa rin siya sa mga trips nila tuwing nagte-taping. Aniya, "Nakakatuwa po kasi 'yung mga projects namin ni Barbie nagkakataong lagi kaming lumilipad ng plane. And laging sa ibang lugar na hindi kami familiar. So, nakakatuwa kasi nae-explore namin ang Pilipinas. Siyempre, nabubuo lalo ang bond."

Sa Cebu pumunta ang cast para sa taping.


First time naman makakatrabaho ni Juancho ang DerBie love team. Aniya, "Nakaka-pressure naman talaga maging second leading man dahil kung ano man 'yung na-set na standards ng leading man, kailangan ko pantayan 'yun."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News