TV

EXCLUSIVE: Barbie Forteza and Derrick Monasterio, ano ang paboritong napuntahan sa Cebu?

By Bea Rodriguez

Maayong buntag, Cebu!

Talagang nag-enjoy sina Kapuso stars Barbie Forteza at Derrick Monasterio na kunan ang kanilang mga eksena habang nililibot ang Queen City of the South para sa kanilang upcoming romantic-comedy primetime series na Inday Will Always Love You.

Kamakailan lang ay pumunta sa Visayas ang DerBie para i-shoot ang kanilang kilig scenes sa tourist spots ng Cebu na mapapanood sa kanilang kiligserye ngayong summer.

“Napakainit pero inilaban namin. Natapos naman namin lahat at wala kaming naiwan na eksena doon. [It's] worth it,” anang Kapuso leading lady.

“Super worth it” naman ang kanilang workation para sa aktor.  Saad ni Derrick, “‘Yung first two days namin sa Bantayan, sobrang init. Na-sunburn ako tapos the next day, masaya pa rin [dahil] sa mga kasama namin. Sina Ate Gladys [ay] parang mga bata pa sa amin tapos ang ingay. Hindi ka makakatulog kung kasama [mo] sila. To sum it all up, sobrang gaan lang talaga ng shoot.”

Napadali ang trabaho ng lahat dahil sa cast at crew ng show. Ayon kay Barbie, “Sobrang saya nilang kasama [at] walang ere katrabaho. Game sila sa lahat ng pinapagawa ng direktor kaya mabilis din namin natatapos ang mga eksena.”

Ibinahagi rin ng love team ang kanilang mga paboritong tourist destinations sa Cebu.

Ang local romantic restaurant ang nagustuhan ni Barbie. “La Vie Parisienne [kasi] nakaka-artista, sosyal at saka masarap, and class talaga,” paliwanag niya.

Ang fresh water at white sand naman ng Bantayan Island ang paborito ni Derrick. Aniya, “Ayaw ko siya at the same time gusto ko rin siya. May mga times na hindi namin alam na papalubugin kami sa tubig at 5 a.m. Wala kaming choice ni Barbie. [Ang] saya kasi kami lang dalawa ang nasa ocean [at] swimming lang kami with our clothes on.”

Saan pa kaya nakarating ang Inday Will Always Love You stars? Alamin sa gallery na ito .