TV

EXCLUSIVE: Barbie Forteza, gustong i-level up ang friendship nila ni Derrick Monasterio?

By Bea Rodriguez

Malapit na nating mapanood sa GMA Telebabad ang pagbabalik-tambalan nina Kapuso stars Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa Inday Will Always Love You.

 

 

Ikinuwento ng DerBie sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com ang kanilang mga magiging karakter, pati na rin ang magiging relasyon nila sa upcoming romantic-comedy series na kinunan sa Cebu.

 

Gagampanan ng aktres si Happylou. Sabi ni Barbie, “Isa akong napakamasayahing babae na kahit nakatira ako sa riles, kahit na may mga problema, kahit hinahanap ko ‘yung tatay ko, sobrang positive ko lang sa buhay.”

Kuwento ni Barbie na sobrang inosente ang kanyang karakter pagdating sa pag-ibig kaya naman magkakaroon sila ng isang love-hate relationship ni Patrick. “Hindi magiging maganda ang first meeting nina Happylou at Patrick. Along the way, mabubuo ang friendship hanggang sana [ay] may mabuong beyond friendship,” bahagi niya.

Ayon naman kay Derrick, nahahati sa pagitan ng trabaho at pag-ibig ang kanyang karakter na si Patrick na tagapagmana ng isang malaking lechon business sa Cebu. Aniya, “Kailangan business muna. More business-minded ako na tao so wala sa akin ang mga love na ‘yan.”

“May pagka-comedic ang mga scenes namin ni Barbie kasi boss niya ‘ko and kalog siya tapos ako strikto. [Tingnan natin] kung paano magdya-jive ang mga ugali na iyon,” dagdag ng aktor.

Unti-unting made-develop si Patrick sa kanyang tauhan, “Siguro ‘yung love ko [ay] parang discreet, ‘di ko pinapakita pero mahal ko na pala [siya].”

Malapit na nating mapanood ang kilig scenes nina Barbie at Derrick ngayong Mayo sa Inday Will Always Love You.