GMA Logo Its Showtime on Family Feud
What's on TV

'Physical guesting' ng 'It's Showtime' sa 'Family Feud,' tinutukan sa TV at trending online!

By Jimboy Napoles
Published April 9, 2024 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime on Family Feud


Napanood mo ba ang riot sa saya na episode ng 'Family Feud' kasama ang 'It's Showtime' fam?

Tinutukan ng mga manonood sa TV at online livestreaming ang paglalaro ng It's Showtime sa paboritong game show ng mga Pinoy - ang Family Feud sa GMA.

Kahapon, April 8, nasaksihan ang napakasayang episode ng Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes at ang kaniyang mga makukulit na bisita na It's Showtime family.

Sumalang bilang team captains ang mag-“Sisteret” na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Kasama sa team ni Unkabogable Vice ang kanyang co-hosts na sina Jhong Hilario, Tiyang Amy Perez, at Jugs Jugueta.

Lumab-Anne din ang team ni Anne kasama sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at ang nagbabalik-Family Feud na si Teddy Corpuz.

Nanalo man sa first two rounds ang Team Anne, nakabawi naman ang Team Vice sa last round kaya sila ang naglaro sa Fast Money round.

Tinalo ng Team Vice ang Team Anne sa score na 388 points - 169 points.

Mabilis naman na nag-trending sa social media ang maraming clips at episode highlights tampok ang bardagulan sa hulaan ng top answers ng nasabing noontime show hosts.

Ang isang netizen, nasunugan pa raw ng niluluto dahil sa pagtutok sa Family Feud.

Ang loyal viewers sa probinsya, inabangan din ang nasabing episode ng game show.

Para sa maraming fans, isa ang guesting It's Showtime sa best episodes ng Family Feud.

Tuwang tuwa rin ang madlang Kapuso sa “physical guesting” ng It's Showtime hosts sa family game show.

Napansin din ng netizens ang “struggle” ni Dingdong sa pag-awat sa bardagulan ng Team Vice at Team Anne.

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.