GMA Logo Viral videos of Jose and Marias Bonggang  Villa
What's on TV

Kulitan ng 'Jose and Maria's Bonggang Villa' cast, umani ng million views online!

By Aedrianne Acar
Published January 30, 2024 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Waist-deep flooding hits parts of Cebu City
Fire razes up to 25 houses in Catbalogan, Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Viral videos of Jose and Marias Bonggang  Villa


Big sa paghahatid ng good moments online ang funny cast ng 'Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0.' Silipin ang ilan sa viral videos ng show na tiyak magpapangiti sa inyo!

Kinaaliwan online ang kulitan ng cast ng well-loved sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0.

Maganda ang reviews at nakakuha ng mataas na ratings ang season premiere ng sitcom na pinagbibidahan nina Dindgong Dantes at Marian Rivera last January 20.

Hindi rin nagpaawat ang Team Bonggang Villa sa paghahatid ng good vibes sa mga netizen.

Ang video kung saan ginagaya ni Dong ang misis na si Marian, nakakuha na ng 5.2 million views sa Facebook.

Tuwang-tuwa rin ang mga Kapuso fans sa pagtuturo ng TikTok dance craze ni Yan sa kaniyang co-star na si Jo Marie.

Umabot na sa 2.6 million views sa Instagram ang video na ito nina Marian at Jo.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Kaya for more bongga moments, tutok na sa masayang adventure nina Jose at Maria tuwing Sabado sa Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0, bago ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento!

RELATED CONTENT: THE STRONG BOND OF DONGYAN