TV

Mikee Cojuangco-Jaworski, ibinahagi ang epekto ng quarantine sa kanyang buhay

By Maine Aquino

Nagkuwento ng buhay quarantine si Mikee Cojuangco-Jaworksi sa latest episode ng Just In.

Nitong Miyerkules, July 29, tinanong ng Just In host na si Paolo Contis kung anu-ano ang mga pagbabago sa buhay ni Mikee at kanyang pamilya simula ng magkaroon ng community quarantine.

Ayon kay Mikee, apektado ngayon ang kanilang negosyo.

"Unfortunately, 'yung mga business namin hindi tumatakbo. Kasi hotel 'yung main business namin, so siyempre, sarado pa, hindi pa makapagbukas.

"Pati si Dodot [Jaworski], walang masyadong trabaho rin."

Pagdating sa usapang safety protocols, hindi umano ito naging problema kay Mikee dahil hindi siya mahilig lumabas ng bahay.

"Ever since naman, homebody naman ako, e. Kapag hindi ko kailangang lumabas, hindi naman ako lumalabas."

"Hindi naman ako mahilig sa kung anu-ano. 'Pag lumabas ako grocery lang din, so at least, wala naman masyadong nawala in that sense."

Ang nabago pa sa kanyang buhay ay ang trabaho niya sa International Olympic Committee.

Nitong buwan lamang nang mabalitang na-elect si Mikee bilang International Olympic Committee (IOC) Executive Board member sa ginanap na 136th IOC session.

"Of course, yung trabaho ko is sports. 'Yun talaga nawala. 'Yung pagbiyahe for the IOC, 'yun siyempre nawala 'yun."

Marami man daw ang nagbago dahil sa COVID-19 pandemic, nagpapasalamat pa rin si Mikee dahil ligtas ang kanyang pamilya.

"Okay kami. Blessed na blessed kasi healthy. Siyempre, komportable sa bahay, may makakain, so very blessed."

Sa huli, inilahad ni Mikee na ang nais niya pa rin ay makahanap na ng solusyon para sa COVID-19 pandemic.

"Pare-pareho tayo. Tayong lahat gusto nating malutas na itong problemang ito."

Paolo Contis, hindi sanay sa atensiyong nakukuha dahil sa 'Through Night and Day'

Michelle Madrigal, inaming nakilala ang asawa sa dating app