TV

Carla Abellana, mapapanood sa 'Just In'

By Maine Aquino

Sa bagong episode ng Just In, exciting ang kuwentuhan dahil mapapanood natin ang Kapuso actress at Love of My Life actress na si Carla Abellana.

Ngayong August 5, kukumustahin ng Just In host na si Vaness Del Moral si Carla habang naka-community quarantine. Aalamin nito ang iba't ibang mga pinagkakaabalahan ni Carla habang nasa bahay.

"Abangan ang kumustahan at kwentuhan nina #VanessDelMoral ngayong Miyerkules kasama ang kanyang #LoveOfMyLife co-star na si #CarlaAbellana sa 'Just In'"

Abangan ang kanilang kuwentuhan mamayang gabi, 8:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page!

Mikee Cojuangco-Jaworski, ibinahagi ang epekto ng quarantine sa kanyang buhay

Michelle Madrigal, inaming nakilala ang asawa sa dating app