TV

Carla Abellana, nami-miss na mag-taping

By Maine Aquino

Sa Just In, nakasama ni Vaness Del Moral ang kanyang kaibigan sa showbiz at Kapuso actress na si Carla Abellana.

Sa kanilang episode na ipinakita nitong August 5, ibinahagi ni Carla ang kanyang kalagayan ngayong naka-community quarantine.

Kuwento ni Carla, miss na niya ang pag-arte pero ang mahalaga umano ay kaligtasan at kalusugan ng nakakarami. Isa pa sa kanyang ibinahagi ay ang kalagayan nila ng kasintahan na si Tom Rodriguez.

Ayon kay Carla, masaya siya na safe rin si Tom ngayon at pareho silang excited na makapagbalik trabaho.

"Si Tom ay safe rin. Ako, naghihintay na lang din ako magbalik taping for Love of my Life. Si Tom kahit papaano may isang project na naka-align sa kanya. Atat na rin siya, excited na rin siya na mag-start na rin ng taping."

Inamin naman ni Carla na pareho silang nakakaramdam ng takot sa COVID-19 pandemic ni Tom kahit excited sila magbalik trabaho.

Ani ng aktres, "Pareho naman kaming aminado na medyo nakakatakot pa pero alam naman namin GMA is making sure na safe para sa lahat bago magbalik taping."

Panoorin ang kanilang kuwentuhan sa Just In.

Mikee Cojuangco-Jaworski, ibinahagi ang epekto ng quarantine sa kanyang buhay

Michelle Madrigal, inaming nakilala ang asawa sa dating app