TV

Jessica Bunevacz, nanalo ng awards sa kanyang podcast show sa LA

By Maine Aquino

Sa kanyang guesting sa online show na Just In Ibinahagi ni Jessica Bunevacz ang kanyang mga naging achievements sa L.A. tulad ng kanyang pagkakapanalo ng awards para sa kanyang podcast show.

Kuwento ni Jessica sa host na si Vaness Del Moral, nagsimula umano ang kanyang paggawa ng podcast show na The Polished Woman pagkatapos niyang i-release ang kanyang libro na Date Like a Girl, Marry Like a Woman.


"I had a book about dating like a girl and marrying like a woman. And one of the guys who really helped me sa book ko said hey why don't you do your own podcast show. You always advice women anyway so bakit hindi ka mag-start?"

Inamin ni Jessica na nagkaroon siya ng pag-aalinlangan sa ideya na ito.

"Sabi ko really, me, magho-host here in the US? English is my second language. I was hosting back in the Philippines, 'pag host ka sa Pilipinas ang Tagalog mo very deep 'di ba? I have a very strong accent so I don't know if I can do that. I don't even know if sometimes my grammar will be correct."


Kuwento ni Jessica na-inspire umano siya kay Sofia Vergara. Ito ang dahilan kung bakit niya ginawa ang podcast show na The Polished Woman.

"Noong time na nag-start ako, Sofia Vergara was very big here in the US. English is her second language, she also has an accent. If Sofia Vergara was able to make it, I can do it."

"So I tried it, I started it. It was a livestream podcast show here in L.A."

Sa kanyang programa nanalo si Jessica ng ilang awards. Ito ay ang Best Scripted Web Series in the Online Section of the 40th Annual Telly Awards at 2020 Communicator Award in the 26th Communicator Awards.

Panoorin ang kuwento ni Jessica sa Just In.

Other Just In interviews:

Jose Mari Chan, may regalo para kay Paolo Contis at sa kanyang ina

Iya Villania, inaming nag-alangan sa pagtanggap sa Chika Minute noon

Leandro Muñoz, iniwan ang showbiz dahil sa mga "fake" na tao