TV

WATCH: Kyline Alcantara, nahihirapang maging api-apihan sa 'Kambal, Karibal?'

By Al Kendrick Noguera

Biglaang switch ng roles ang nangyari sa istorya ng Kambal, Karibal ngayon matapos sumanib ang kaluluwa ni Crisan (Bianca Umali) sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).

Dahil sa takbo ng istorya, kinakailangang mag-adjust ng cast ng GMA Telebabad soap sa kanilang bagong characters lalo na si Kyline. Mula kasi sa pagiging kontrabida, naging mabait na ang kanyang character dahil sa kaluluwa ni Crisan.

Inamin ni Kyline sa ulat ng 24 Oras na talagang hindi naging madali ang transition niya sa kanyang roles. Aniya, "Binigyan po ako ng chance na maipakita ko naman po 'yung pagiging soft side ko bilang bida. Siyempre po nahirapan po ako at first kasi nakaka-drain po pala siya and sobrang sensitive po kasi ni Crisan."

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.