TV

Masamang balak ni Crisel kay Lola Anicia sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Kasalukuyang kritikal ang kalagayan ni Lola Anicia (Gloria Romero) sa ospital matapos siyang itulak ni Crisel (Kyline Alcantara) sa hagdan.

Gayunpaman, hindi pa rin matatahimik ang dalaga hangga't humihinga pa ang matanda dahil alam nito ang kanyang sikreto.

Para matapos na ang kanyang pangamba, inutusan ni Black Lady (Roence Santos) si Crisel na tapusin na ang buhay ni Lola Anicia.

Sundin kaya ito ni Crisel?

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 51 ng Kambal, Karibal:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.