TV

Pagkamuhi ni Geraldine kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Kinompronta ni Crisan (Bianca Umali) si Crisel (Pauline Mendoza) matapos ibunyag ni Dolores (Amalia Rosales) ang tungkol sa pagtangkang pagpatay ng kanyang kakambal kay Lola Anicia (Gloria Romero).

Nauwi sa sakitan ang pag-uusap ng magkapatid hanggang sa nasagasaan si Crisel ng kotse sa daan.

Sinisi ni Geraldine (Carmina Villarroel) si Crisan sa aksidenteng sinapit ni Crisel na nagbabalat-kayo bilang si Cheska (Kyline Alcantara).

Kinuha naman ni Crisel ang pagkakataong ito para sirain pa lalo ang kanyang kakambal kay Geraldine para mapaniwala ang huli na pinagtangkaan ni Crisan ang kanyang buhay.

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 52 ng Kambal, Karibal:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
https://www.gmanetwork.com/fullepisodes/