TV

Tuluyan na kayang tatapusin ni Crisel ang buhay ni Anicia sa 'Kambal, Karibal?'

By Jansen Ramos

Sa episode 64 ng Kambal, Karibal, hindi titigil si Crisel (Pauline Mendoza) hangga't hindi napapatay si Lola Anicia (Gloria Romero) dahil alam nito ang kanyang sikreto.

Dalawang beses pa niyang pinagtangkaang tapusin ang buhay ng matanda ngunit hindi siya nagtagumpay.

Senyales na ba ito para tumigil na si Crisel sa pagpapanggap bilang si Cheska?

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.