TV

Galitin ang kalmadong si Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 125 ng Kambal, Karibal, plinano nina Black Lady (Roence Santos) at Cheska (Kyline Alcantara) na galitin si Crisan (Bianca Umali) ngayong magkakasama sila sa isang restaurant.

Ginamit ni Cheska ang kanyang best friend na si Patricia (Eliza Pineda) para gumawa ng iskandalo si Crisan sa pampublikong lugar, matapos itakwil ang una ng kanyang kaibigan.

Magtagumpay kaya sila sa masamang plano na ito?

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.