TV

Pilit na pagkitil ni Cheska sa buhay ni Nori sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 134 ng Kambal, Karibal, nagulat si Cheska (Kyline Alcantara) nang malaman niyang buhay pa si Nori (Chesca Salcedo) matapos niya itong itulak mula sa bell tower.

Kaya naman, habang nagpapagaling ang huli sa ospital, pilit ni Cheska na kitilin ang buhay nito upang hindi na malaman ni Crisan (Bianca Umali) ang pinakatatago niyang sikreto.

Magtagumpay kaya siya sa kanyang masamang balak?


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza