TV

RECIPE: Nutri-Sarap Christmas Spaghetti a la Pokwang

By Maine Aquino

Mga Sangkap:

  • 500 g spaghetti noodles
  • 1 kutsarang mantika
  • 3 butil ng bawang, chopped
  • 1 sibuyas, chopped
  • 250 g beef giniling
  • 250 g pork giniling
  • 1 maliit na carrot, chopped
  • 1 tasang button mushroom, sliced
  • 1 piraso bell pepper, chopped
  • asin at paminta
  • 1 maliit na latang liver spread
  • 3 tasang tomato sauce
  • 1 pirasong KNORR PORK CUBE
  • 1 tasang condensed milk
  • ½ tasang cheese, grated


Paraan sa pagluluto:

  1. Lutuin ang spaghetti noodles ayon sa nakasulat sa lalagyan nito.
  2. Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika. Ilagay ang beef at pork giniling.
  3. Kapag nag-brown na ang meat, ilagay ang mga gulay - carrots, button mushroom at bell pepper. Timplahan ng asin at paminta.
  4. Ilagay ang liver spread at tomato sauce. Pakuluin.
  5. Ilagay na ang Knorr Pork Cubes. Haluin.
  6. Makalipas ang ilang minuto, ilagay na rin ang condensed milk at cheese. Pakuluin sandali bago hanguin.
  7. Ihalo o ibuhos sa inyong nilutong spaghetti noodles.