TV

RECIPE: Nutri-Sarap Christmas Sinigang na Salmon

Mga Sangkap:

2 kutsarang mantika
1 pirasong sibuyas na hinati sa apat
3 pirasong kamatis na hinati sa apat
½ kilo salmon, na hinati na tig- 1-1 ½-inch ang kapal
1 litro pinaghugasan ng bigas (rice wash)
5-6 pirasong okra
3-4 pirasong siling haba
1 pack (22 g) Knorr Sinigang sa Sampalok Mix
1 tali ng kangkong

Photo source: Knorr Nutri-Sarap Kitchen

Paraan sa pagluluto

1. Igisa ang sibuyas at kamatis. Haluin hanggang sa lumambot ang kamatis. Dahan-dahang ilagay at igisa ang salmon belly.
2. Kapag half-cooked na ang salmon, lagyan na ng hugas bigas at pakuluin.
3. Kapag kumukulo na, ilagay ang okra at siling haba.
4. Ilagay na rin ang Knorr Sinigang sa Sampalok Mix. Hayaan lang itong kumulo.
5. Haluin at ilagay ang kangkong. Timplahan ng asin at paminta.
6. Ihain na may kasamang kanin.