Janine Gutierrez, totoo na ang mga iyak sa 'Legally Blind' rape scene dahil sa takot kay Marc Abaya
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ng bida sa Legally Blind na si Janine Gutierrez ang kanyang experience sa rape scene kasama ang aktor na si Marc Abaya.
"Super natakot ako kasi talagang sineryoso niya 'yung role. Sobrang in-internalize niya 'yung gagawin niyang pangre-rape so talagang nakikita ko sa mata niya na seryoso siya. So talagang nakakatakot kasi feeling ko totoo talaga," ani Janine.
Kuwento pa niya, totoo na raw ang mga iyak niya sa eksena. "Nakakatakot 'yung feeling na hindi ka makalaban kahit na ayaw mo 'yung nangyayari sa 'yo. Hindi ka talaga makatakas, hindi ka talaga makagalaw," paliwanag niya.
Saludo si Janine sa pagiging professional at effective ni Marc sa pagganap bilang isang rapist. Pero ayon sa aktres, hindi raw naging madali para sa aktor na gampanan ang challenging role.
"Nahiya siya sa 'kin dahil ako 'yung mabibiktima niya tapos 'yung eksena [ay] maselan. So ni-reassure ko na lang siya na okay lang ako, na huwag siyang mahiya sa 'kin kasi trabaho lang naman," saad ng Legally Blind star.
MORE ON 'LEGALLY BLIND':
Lauren Young on working with Janine Gutierrez in 'Legally Blind:' "Kabahan siya [sa 'kin]"
Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date