TV

Lovers & Liars: Pagkabunyag ng tunay na relasyon nina Elizabeth at Victor

By Aimee Anoc

Sa huling dalawang gabi ng triple plot drama series na Lovers & Liars, kaabang-abang ang mga magaganap sa oras na mabunyag na sa lahat ang tunay na relasyon nina Elizabeth (Ara Mina) at Victor (Christian Vazquez).

Ngayong Miyerkules (January 10), base sa teaser na inilabas ng serye, nagtanong na si Trina (Sarah Edwards) sa inang si Elizabeth kung may relasyon ba sila ni Victor.

Matatandaan na kinumpronta ni Via (Claudine Barretto) si Victor kung may relasyon ba sila ni Elizabeth. Dito na nakumpirma ni Via na mayroon ngang sikretong relasyon ang dalawa, na nagpapatunay sa pagtataksil ni Elizabeth kay Ramon.

Ano kaya ang gagawin ni Trina sa oras na malaman ang ginawang pagtataksil ng ina? Paano kaya nito maaapektuhan ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Ramon?

Samantala, nalalagay ngayon sa panganib ang buhay ni Hannah (Lianne Valentin) matapos na malaman ni Victor ang relasyon nila ni Kenneth (Kimson Tan). Mailigtas kaya siya ng mga kaibigan na sina Andrea (Michelle Vito), Joseph (Rob Gomez), at Caloy (Yasser Marta)?

Huwag palampasin ang huling dalawang gabi ng Lovers & Liars, 10:05 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang full episode 30 ng Lovers & Liars sa video sa ibaba:

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: