Hindi nagpahuli ang cast ng upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in his Arms sa patalbugan ng Halloween costumes sa kauna-unahang 'The Sparkle Spell' ng Sparkle GMA Artist Center na ginanap noong Linggo, October 23, sa XYLO at the Palace sa BGC, Taguig City.
Ang lead stars ng nasabing series na sina Sofia Pablo at Allen Ansay ay dumating suot ang kanilang Corpse Bride-inspired costumes.
Iba't iba naman ang naging tema ng kanilang co-stars na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
Silipin ang kanilang nakakata-cute na Halloween costumes sa gallery na ito.
Bago magpakilig bilang sina Florence at Nero, nanakot muna ang lead stars ng 'Luv is: Caught in His Arms' na sina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang sina Victor at Emily ng 2005 animated musical dark fantasy film na 'Corpse Bride' sa 'The Sparkle Spell.'
Simple and cool naman ang napiling Halloween getup ni Sparkada hunk Vince Maristela.
Astig na vampire ang peg ni Michael Sager sa kanyang Halloween costume.
Eddie Munson-inspired naman mula sa hit Netflix series na 'Stranger Things' ang costume ni Sean Lucas.
Nag-ala Dracula naman si season 98 GMA NCAA All-Star Basketball Game Celebrity MVP na si Raheel Bhyria.
All-smile naman si Caitlyn Stave habang nasa red carpet suot ang kanyang cowgirl outfit.
Bagay na bagay kay Cheska Fausto ang kanyang angel-inspired costume.
Perfect naman para kay Kirsten Gonzales ang kanyang napiling Japanese fictional character na si Yumeko Jabami.
Euphoria-inspired naman ang halloween getup ni Tanya Ramos.