TV

Ferell cousins ng 'Luv is: Caught in His Arms,' ibinida ni Sofia Pablo sa isang Instagram story

By Jimboy Napoles

Nagbigay excitement sa fans ng upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms ang larawan na ibinahagi ng isa sa bida ng series na si Sofia Pablo sa kanyang Instagram story ngayong Huwebes, November 3.

Makikita sa nasabing larawan na magkakasama sa ang mga gaganap bilang Ferell cousins na pinangungunahan ng Kapuso young heartthrob na si Allen Ansay, at Sparkada members na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.

Mapapansin sa nasabing larawan na tila nasa isang taping ang lima na nakaayos ang suot base sa kanilang mga karakter.

"Ferells," simpleng caption ni Sofia sa kanyang IG story.

Source: sofiapablo (Instagram)

Ang Luv Is: Caught In His Arms ay ang TV series adaptation ng Wattpad novel na "Caught In His Arms" na isinulat ng sikat na Filipino author na si Ventrecanard.

Samantala, kasama rin sa naturang series ang ilan pa sa Sparkada members na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos. Kaabang-abang din ang magiging karakter dito ng dating Artikulo 247 actress at TikTok girl na si Rain Matienzo.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: