TV

Goosebumps trailer ng 'Luv is: Caught in His Arms,' more than 1M views na sa Facebook!

By Jimboy Napoles

Parami na nang parami ang kinikilig sa inilabas na trailer ng upcoming series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms, nitong Biyernes, January 6.

Ilang araw lang matapos itong i-post sa social media ay tumabo na agad ito ng mahigit sa 1 million video views sa Facebook at patuloy na inuulan ng samu't saring reaksyon mula sa netizens.

“Kaabang-abang at kapanapanabik.So talented, good jod ang gagaling!,” komento ng isang fan.

“Feeling ko nanonood ako K-Drama o C-Drama ang ganda kasi ng kuwento pati twist nila tapos bagay na bagay pa sa role ang #AlFia Allen Ansay at Sofia Pablo kaya GMA Network di kayo nagkamali sa pinili niyong gaganap bilang Nero at Florence,” mensahe naman ng isang netizen.

“Hindi ako mahilig sa mga ganitong drama na teenager ang bida, pero ito, ang cutie, kinilig ng slight ang 30s na babaeng ito hahahaha,” kuwelang komento ng isa pang netizen.

Ang naturang series ay ang first collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios. Ito ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts at kilala rin bilang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Ang ilang original fans ng nasabing Wattpad novel, approved naman ang pasilip na trailer sa TV adaptation ng series.

Ang ng isa, “Ang ganda ng unang wattpad series ng GMA. Ang gagaling din ng mga new stars ng Sparkle good Job.”

“This is gonna be one of the best Wattpad tv adaptation,” dagdag pa ng isang fan.

Kasama nina Sofia at Allen sa nasabing series ang ilan sa Sparkada boys na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas na tiyak din na magpapakilig sa maraming manonood.

Ipinapakilala din sa nasabing series ang ilan pa sa Sparkada members na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.

Kaabang-abang din ang magiging karakter dito ng social media star-turned-actress na si Rain Matienzo na napanood na rin sa TV sa seryeng Artikulo 247 at sa trending GMA series na Maria Clara at Ibarra bilang si Salome.

Panoorin ang goosebumps trailer ng Luv is: Caught in His Arms, DITO:

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: