TV

WATCH: Klea Pineda at Jeric Gonzales, handa na ba sa daring at mature role sa 'Magkaagaw'?

By Aaron Brennt Eusebio

Handang-handa na sina Klea Pineda at Jeric Gonzales na gampanan ang kani-kanilang mas daring at mas mature na roles sa Magkaagaw.

Jeric Gonzales at Klea Pineda

Una silang nagkasama noon sa 'Ika-5 na Utos' kaya mas komportable na sila sa isa't isa.

EXCLUSIVE: Klea Pineda, thankful sa 'Ika-5 Utos' sa paghanda sa kanya para sa 'Magkaagaw'

Sa katunayan, pumayag si Klea na magkaroon ng kissing scene sa Magkaagaw dahil si Jeric ang kanyang ka-partner.

"Ako naman, comfortable talaga ako kay Jeric ever since," saad ni Klea.

"Mas naging komportable lang ako sa kanya ngayon kasi mas nakilala ko na siya."

Bukod kina Klea at Jeric, bida rin sa Magkaagaw ang mga de-kalibreng aktres na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.

Kasama rin sa Magkaagaw sina Isay Alvarez, Dennis Padilla, Patricia Tumulak, Lovely Abella, Polo Ravales, at Joana Marie Tan.

Alamin ang buong detalye sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:




Huwag din palampasin ang world premiere ng Magkaagaw sa Lunes, October 21, sa GMA Afternoon Prime.