TV

Magpakailanman presents 'Starstruck' Ultimate Survivors

Ito ay tungkol sa makulay na mga kuwento ng ating naging top 4 -- sa naganap na Starstruck ngayong taon -- na sina KIM DE LEON, SHAYNE SAVA, LEXI GONZALES, and ALLEN ANSAY.

Magpakailanman

Sa kauna-unahang pagkakataon, mailalahad ang ibang bahagi ng kanilang kuwento bago at habang nasa Starsstruck sila.

Ang Ultimate Male Survivor na si KIM DE LEON, ibinahagi na minsang napagbintangan ang kaniyang ama sa maling kaso at nakulong dahil dito, sa loob ng ilang araw. Dito rin matutunghayan ang iba pang hirap na pinagdaanan ni Kim tulad ng muntikan nang pagbenta sa kanilang bahay sa Batangas.

Ang Ultimate Female Survivor naman na si SHAYNE SAVA, ikinuwento ang hirap ng kanilang buhay at kung paano niya ito nakayanan -- kahit pa hiwalay ang kaniyang mga magulang-- sa tulong ng kaniyang pinakamamahal na lola.

Samantala, ang First Prince naman na si ALLEN ALSAY, ay ikinuwento ang kaniyang buhay sa Maynila bilang isang probinsiyano. Nahirapan man, ay nagawa pa rin niyang makapag-adjust sa ngalan ng kanyang pangarap.

Ang First Princess na si LEXI GONZALES, ibinahagi ang kanyang pinagdaanan para matulungan ang kaniyang ina na solong bumubuhay sa kanilang magkapatid na si Jigo, na na-diagnose na may autism spectrum disorder.

Ang kanilang mga kuwento ay patunay lamang na sa gitna ng kanilang kasikatan, sila ay mga tao pa rin na dumadanas ng iba't ibang pagsubok. Sila ay may mga kuwento rin na puwede nilang maibahagi upang magbigay aral sa karamihan.

Huwag palampasin ang makukulay nilang kuwento ngayong Sabado, October 5, 2019, sa nangungunang drama anthology sa bansa, Magpakailanman.

At mamangha kina KIM DE LEON, SHAYNE SAVA, LEXI GONZALES, and ALLEN ANSAY sa kanilang pagganap bilang kanilang mga sarili sa kanila mismong mga kuwento.

Ito ay hango sa pananaliksik ni Cynthia Delos Santos, sa panulat ni Jessie G. Villabrille, at sa direksyon ni Don Michael Perez.