TV

Jak Roberto, grateful sa tiwala ng '#MPK' para sa unang fresh episode ng quarantine

By Marah Ruiz

Bagong episode na ang mapapanood ngayong parating na Sabado sa real life drama anthology ng #MPK or Magpakailanman.

Ang unang fresh episode ay tungkol sa buhay ng viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo or Rhemuel Lunio sa tunay na buhay.

Si Kapuso actor Jak Roberto naman ang gaganap sa kanya sa episode.

Ikinatuwa daw ni Jak na sa kanya napunta ang tiwala ng programang #MPK para bigyang buhay ang kuwento ni DJ Loonyo, lalo na at sikat na sikat ito ngayong quarantine.

"For me isang malaking tulong po para talagang panoorin ng tao. Tulungan po na viral po 'yung case study tapos gagampanan ko po. Nakakatuwa na for me, less effort para i-promote kasi kilala na noong tao 'yung ipo-portay mo," kuwento ni Jak sa isang online interview kasama ang piling miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

Pero kaakibat nito, nakaka-pressure din daw ang pagganap sa isang sikat na personalidad dahil may expectations ang mga tao dito.

"Noong bingay sa akin [ang role], na-excite naman po ako. Sabi ko gagalingan ko kasi ang hirap minsan i-reach 'yung standard ng viewers," ani Jak.

Confident naman si Jak na maganda ang episode, lalo na at maganda rin ang kuwento ng buhay ni DJ Loonyo.

"Buti na lang po maganda po 'yung pagkakasulat. And 'yung buhay po niya, talagang mahu-hook ka sa umpisa pa lang," pahayag niya.

Bukod dito, thankful din sa Jak na siya ang pinagkatiwalaan ng programa at ng network na bumida sa unang bagong episode ng #MPK ngayong quarantine.

Aminado si Jak nag-alinlangan din siya na magsimula nang mag-taping lalo na at tumaataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

"Isa pa po 'yun sa nag-motivate sa akin para mag-adapt ng 'new normal.' Noong una parang nakakakaba. Isipin mo paano kapag actors in na tatanggalin mo 'yung mask mo. Baka mamaya hindi natin alam, mayroon pala na carrier," bahagi niya.

"Pero nawala lahat 'yun since ako 'yung pinagkatiwalaan sa dinami dami ng artista sa GMA. Sa Magpakailanman, ako 'yung unang magte-taping ng fresh episode. Nagsamasama na viral pa 'yung ipo-portay ko. For sure papanoorin ng mga tao kasi kilala nila si DJ Loonyo," dagdag pa nito.

Napanood si Jak bilang DJ Loonyo sa brand new episode na pinamagatang "Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story," noong July 18.