GMA Logo A scene from MPK
What's on TV

Susubukin ng COVID-19 ang isang pamilya sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published August 13, 2020 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

A scene from MPK


Tatamaan ng COVID-19 ang isang buong pamilya ng mga nurse sa upcoming fresh episode ng '#MPK.'

Magbibigay pugay ang real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman sa lahat ng frontliners na patuloy na lumalaban sa COVID-19 sa buong mundo sa pamamagitan ng isang napapanahong episode ngayong parating na Sabado.

Pinamagatang "Walang Iwanan: The Layug Family Story," tampok dito ang kuwento ng isang pamilya ng mga nurse na nagtatrabaho sa New Jersey, California at New York.

Mga nurse ang mag-asawang Rainier at Remy pati na ang kanilang apat na anak. Sa pagtama ng pandemya, lahat sila ay tatamaan ng COVID-19.

Paano nila ito haharapin bilang isang pamilya?


Ang award-winning actor na si Nonie Buencamino ang gaganap bilang Rainier ang padre de pamilya ng mga Layug.

Ang asawa niya at kapwa aktor na si Shamaine Buencamino naman ang gaganap bilang si Remy.

Si Rita Daniela naman ang kanilang bunsong anak na si Lea.

Huwag palamasin ang "Walang Iwanan: The Layug Family Story" ngayong Sabado, August 15, 8:00 pm sa '#MPK.'