
Mainit ang suporta ng netizens sa pinakabagong youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.
Sa TikTok, ilan sa most searched topics tungkol sa MAKA ay ang "maka trailer" "Maka New Series in GMA," at "Isang Pangarap Zephanie MAKA High."
Bukod dito, umani ng million views sa TikTok ang clip ni Zephanie habang emosyonal na kinakanta ang "Patuloy Ang Pangarap" mula sa pilot episode ng teen show.
@zephaniejourneyupdates MAKA : Episode 1 Grabe mga linyahan mo agad Zeph 🥺 tagos kung tagos. So proud of you. #Zephanie #MAKA #patuloyangpangarap #reels #trending #fypシ #Trending #DylanMenor #ZephanieUpdate ♬ original sound - ZephanieJourney&Updates
Nakapagtala ng mataas na ratings ang unang episode ng MAKA na ipinalabas noong September 21 kung saan nakakuha ito ng 6.6 percent, higit na mas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa, base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.
Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."
Nagbibigay inspirasyon din sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
Tampok sa inspiring teen show na ito, na may musical elements, ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High, kung saan matutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
Subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: