
Sa ikawalong episode ng "MAKA Secret Garden," ipinarating ng MAKA barkada ang pagka-miss sa cast member na si Josh Ford.
Sa pagtatapos ng nasabing online exclusive content, sama-samang tinawag nina Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Chanty, Sean Lucas, at Shan Vesagas ang pangalan ni Josh.
"Josh, good luck, Josh! We're rooting for you, Josh!" sabay-sabay na sabi ng MAKA barkada.
Kasalukuyang napapanood si Josh sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kung saan isa siya sa Kapuso celebrity housemates sa Bahay ni Kuya.
Huling napanood si Josh sa ikapitong episode ng MAKA Season 2 na umere noong March 15.
Sa ikapitong episode ng "MAKA Secret Garden," nagbigay ng special message si Josh para sa MAKA viewers.
"Mga Kapuso at sa ating barkada, thank you so much. This is Josh Ford playing Josh Taylor sa MAKA Season 2, and I hope to see you guys soon. And, don't miss me too much. I'll be back. I love you all," mensahe ni Josh.
Samantala, inilabas na ng MAKA ang pinakabago nitong kilig soundtrack, ang "Am I In Love," na inawit mismo ni Josh Ford.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO: