TV

Pagkakabalik ng cellphone ni Crystal sa 'Mga Lihim ni Urduja,' ikinatuwa ng viewers

By EJ Chua

Naging usap-usapan sa social media ang ilang eksena sa katatapos lang na ika-dalawampung episode ng GMA action-adventure series na Mga Lihim ni Urduja.

Sa naturang episode, itinampok ang tungkol sa paghahanap ng kuwintas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

Natunghayan dito na napadpad sina Gemma (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia) sa Quiapo sa lungsod ng Maynila.

Habang nag-uusap ang dalawa, nang gagamitin na ni Crystal ang kanyang cellphone ay napagtanto niyang nawawala na ito.

Ilang minuto lang ay isang lalaking Muslim ang lumapit sa kanila ni Gemma at agad nitong isinauli ang cellphone ni Crystal. Ipinaliwanag din ng lalaki na agad niyang hinabol ang mga dalaga nang malaman na mayroon silang naiwan na gamit sa tindahan nito.

Ang eksenang ito tungkol sa pagkakabalik ng cellphone ni Crystal ay labis na ikinatuwa ng mga manonood at fans ng serye.

Ilang papuri ang ipinaabot nila sa programa dahil natuwa raw sila na ipinakita ng Mga Lihim ni Urduja na mayroong taglay na kabutihan ang ilang tinderong muslim sa Quiapo.

Narito ang ilang komento ng mga manonood tungkol sa eksena:

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Patuloy na subaybayan ang Mga Lihim ni Urduja, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA MULA SA MGA LIHIM NI URDUJA NA NAGSILBING INSPIRASYON SA MGA KABABAIHAN SA GALLERY SA IBABA: