TV

Ang pagbagsak ng pamilya Soriano | 'My Husband's Lover' Episode 41

By Cara Emmeline Garcia

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Matapos palayasin at bugbugin si Zandro (Keempee de Leon), hinarap ng pamilya Soriano ang kahihiyan na mayroon silang kamag-anak na binabae kahit pa sila'y kilala bilang isang angkan na puno ng matitipunong lalaki.

Samantala, hindi matanggap ni Eric ang sakit na idinulot ng paghihiwalay nila ni Vincent.

Maging mitsa kaya ito para magpatiwakal si Eric? Panoorin:

Tumutok lamang sa My Husband's Lover gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Kung may gusto kayong balikan na episode, maari niyo rin panoorin ito sa official website ng GMA Network o ng GMA Network app.