TV

Gil Cuerva, dream come true nga ba ang makasama si Jennylyn Mercado sa 'My Love From The Star?'

By GIA ALLANA SORIANO

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, nabanggit na pangarap nga raw ni Gil na masama si Jen sa isang project.

 

PHOTO BY  Michael Paunlagui, GMANetwork.com

 

Aniya, "I try my best to be Matteo, but because nakakatawa yung character ni Steffi at si Jen as a person, kung minsan napapatawa ako. Pero, you know, I have to get back to my character."

Bago man ang lahat para sa aktor, masaya naman daw siya sa mga natutunan niya sa set, at sa mga tapings nila.

Ika niya, "It's work pero I get to enjoy [it.]"

Ano naman ang masasabi ni Jen kay Gil ngayong nakaeksena na niya ang aktor?

Ani ni Jen, "Kahit papano nakakapag-share na kami ng experience namin. Importante 'yun eh. Ako sa lahat ng nagiging katrabaho ko, importante 'yung foundation."

Dagdag pa niya na dahil mas nagiging close na sila off-cam mas nagiging totoo ang mga binibigay nilang emosyon sa eksena. Paliwanag niya: "Hindi 'yung basta arte lang."

 

MORE ON MY LOVE FROM THE STAR: 

Gil Cuerva, tuloy-tuloy for 10 hours pinanood ang My Love From The Star
 
Gil Cuerva talks about Korean actor Kim Soo Hyun

Gil Cuerva is this women's magazine's "bae of the month"