TV

Direk Joyce Bernal, may pasilip sa kilig ending ng 'My Love From the Star'

Sa huling dalawang araw ng My Love From The Star, nag-post si Direk Joyce Bernal ng teaser ng pinaka-aabangang kissing scene nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

 

Marami ang kinilig at nag-react sa post ni Direk Joyce.

“May idea ako, gagawa ako ng love story... Kayo ang producer,” ani ng magaling na direktor.

Bumuhos naman ang comments mula sa netizens. Ang iba ay nagpasalamat sa director sa magandang pagkakagawa ng Philippine adaptation ng My Love From The Star, samantalang ang iba naman ay humiling ng second project para sa JenGil.

 

 

Huwag palampasin ang huling dalawang araw ng My Love From The Star sa GMA Telebabad.