TV

WATCH: Jasmine Curtis Smith, may inilantad tungkol sa 'Pamilya Roces'

By Bea Rodriguez

Sobrang nagpapasalamat ang bagong Kapuso star na si Jasmine Curtis Smith na mapabilang sa upcoming GMA Telebabad series kasama ang powerhouse cast ng Pamilya Roces.

Nagpapasalamat rin siya na talagang pinag-isipan ng team ang magiging karakter niya sa show. Handa na ang talented actress sa una niyang proyekto sa Kapuso network, “Nabigyan na kasi kami ng first script so aaralin 'yung script, [and] if there's any questions, magtanong kay Direk Joel. Other than that, siguro mas kilalanin lang talaga 'yung karakter ko as an individual.”

Excited na si Jas na makatrabaho ang mga magagandang Kapuso stars na magiging mga kapatid niya sa serye tulad nina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Wyn Marquez at Shaira Diaz.

Kuwento niya sa Unang Hirit, “Marami kaming magkakapatid and paikot-ikot 'yung istorya niyan dahil masaya 'yung tatay namin. Nagsaya 'yung tatay namin so ang dami tuloy naming magkakapatid.”