TV

Laugh out loud with the cast of 'Pepito Manaloto' on Tuesday, April 1!


Makitawa at makipagkulitan sa buong cast ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa kanilang kauna-unahang live chat this Tuesday, April 1, from 1 p.m. to 3 p.m.

Naging bahagi na ng ating Sunday nights ang Manaloto family at ang kanilang mga kasambahay, kapitbahay at bisita. Marami ang nakaka-relate sa bawat episode dahil ika nga ni Michael V., "Most of our stories happen in real life."

Last Sunday, napanood natin ang pagpunta nina Pepito at ng kanyang pamilya sa isang water spa. Sumama rin sina Mimi at Deedee dahil kailangan ni Mimi na mag-relax dahil sa nararamdaman nitong stress. Sa kanilang pagbisita sa water spa, nagkaalaman kung sino ang marunong lumangoy at kung sino ang nagkukunwari lamang.

Ano pa kaya ang dapat abangan sa mga susunod na episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento? Find out as the cast sits down and chats with their fans online this Tuesday, April 1, 2014 from 1 p.m. to 3 p.m. Log on to GMANetwork.com/livechat to be part of this exclusive event. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com