TV

EXCLUSIVE: Comedienne Mosang tinanggihan ang offer ng isang TV network para sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Hindi matatawaran ang loyalty ng comedienne na si Mosang sa hit sitcom niya na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Mosang na gumaganap bilang kuwela pero matapang na kasambahay nina Pepito (Michael V) at Elsa (Manilyn Reynes) na si Baby, umamin ito na may mga projects siya na tinanggihan dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang programa.

Paliwanag ni Mosang, “There are offers from (sic) us kami we decline na I cannot talaga parang kung tatama dito (Pepito Manaloto) sobrang ganun na. Oo, dapat mayroon ako sa Dos (ABS-CBN) mga ilan na ‘yun. Parang 'lam mo sabi ko 'pag tumama sa Pepito 'pag sabay ng airing, huwag na lang. Kung the same role din lang, mas maganda pa rin ‘yung role ko sa Pepito ‘yung ganun.”

Hindi naman naging mahirap para sa Kapuso comedienne na magdesisyon dahil iba na ang naging samahan nila sa multi-awarded sitcom na walong taon na nagpapasaya sa telebisyon.

“Iba kasi. This is a different group. Actually, lahat naman ng  show ko kahit the other station talagang nagtatagal, six years, two years, four years. Tapos eto na parang eto na ‘yung sobrang kumportable kami sa bawat isa and we get to talk and we get deeper that includes our families.”

 

 

Ganito rin ang sentimiento ng lead star ng Pepito Manaloto na si Manilyn Reynes.

Alam na raw ng Kapuso actress at manager husband niya na si Aljon Jimenez na kung sakali magkaroon sila ng conflict sa isang project with Pepito Manaloto lagi pa rin nila uunahin ang comedy show.

“Siguro hindi ko na lang sasabihin kung ano. But of course there was pero alam mo. Ang husband ko kasi ang manager ko si Aljon (Jimenez) so kapag Pepito at something else, alam na namin kung ano pipiliin namin.”

“Always, always Pepito 'yan. No doubt, walang question kapag ‘Uy may ganito, pero.’ Hindi! Alam namin Pepito tayo.”

 

Photos by: @MOSANG(FB)