TV

'Natutuwa ako that my children find me funny' - Manilyn Reynes


Manilyn Reynes plays Elsa, Chito and Clarissa's mother, in the weekend program Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento. Hindi naman ito nalalayo sa totoong buhay because she has three sons with husband Aljon Jimenez.

In an interview with GMANetwork.com, Manilyn shared her life outside of showbiz, at kung ano ang tingin sa kanya ng mga anak kapag napapanood siya on TV.

According to Manilyn, natutuwa ang kanyang mga anak when they see her on television, lalo na kapag ang mga dating pelikula niya ang pinapalabas. "Nung ginawa namin 'yung throwback episode, and medyo young kami kunwari. 'That's you, Mom?' 'Yeah, hindi ba kita sa katawan, anak?' 'You can act really, really young.' Tapos kapag nakikita nila 'yung mga pelikula ko nung bata pa talaga ako, like nung 10 years old ako, sasabihin nila 'That's you when you were little? You were so small!' As if naman I'm tall (laughs)."

Nakakatulong din daw ang mga pagpapatawa niya kapag may problemang dinadala ang kanyang pamilya. "Natutuwa naman ako that my children find me funny. Kahit papano, kapag mayroon silang iniisip, nada-divert, 'di ba? Puwede naman daanin sa ganun, hindi 'yung sobrang seryoso."

Dagdag pa niya, "Sabi ko nga sa kanila, in life you can be serious also kasi may mga pagkakataon talaga na you really need to be serious, that you really need to think about things. Pero dapat magaan lang, hayaan niyo na nanay niyo na lang ang mabigat. Hahaha!"

It is difficult raising three boys and being the only female in the household?

"'Yun nga, lagi kang nakikipag-wrestling, nakikipag-MMA! I don't mind, of course. Unang una, mga anak ko 'yan. Mahal ko ang mga 'yan so kung gusto nila mag-tumbling or just simply sit down and watch TV, it's fine with me. Enjoy ako doon, as long as I am with them," nakangiting sagot ni Manilyn.

Catch Manilyn Reynes on Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights after Kap's Amazing Stories. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com